-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpasa ang Iloilo City Disaster Risk Reduction and Management Council ng resolusyon na magdedeklara sa Iloilo City sa ilalim ng State of Calamity dahil sa mataas na kaso ng food at waterborne diseases.

Ito ay matapos na dineklara ng City Health Office ang outbreak ng acute gastroenteritis (AGE) at cholera na umabot na sa 90 kaso at apat ang patay as of August 28.

Base sa data ng City Epidemiology and Surveillance Unit, tatlo sa 90 ang nakumpirmang cholera cases ngunit nakarecover na.

18 kase naman ang admitted sa ospital.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Jerry P. TreƱas, sinabi nito na hihilingin niya sa City Council na magsagawa ng special session upang aprubahan ang deklarasyon ng State of Calamity.

Nanawagan dit ito para sa special emergency meeting ng City Disaster Risk Reduction and Management Office upang talakayin ang sitwasyon,at magpatupad ng nararapat na hakbang at maglaan ng kinakailangang pondo.