-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isasailalim ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa state of calamity ang buong lungsod ng Iloilo upang magamit ang pondo ng Iloilo City Government para sa disaster response.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa alkalde, sinabi nito na bibigyan ng financial assistance ang mga residente na apektado ng bagyo kagaya ng may partially at totally destroyed na mga bahay.

Bibigyan rin ng ayuda ang pamilya ng isang casualty sa lungsod.

Sa ngayon, patuloy pa ang pag-consolidate ng mga impormasyon kaugnay sa nasalanta ng nasabing kalamidad.

Sa latest data ng Iloilo Disaster Risk Reduction and Management Office, nakasaad na 1,366 na mga pamilya ang nag-evacuate mula sa 50 na mga barangay sa lungsod.