-- Advertisements --
ILOILO CITY – Isinailalim na sa dengue outbreak ang lungsod ng Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang kanyang basehan sa pagpapalabas ng Executive Order 023 ay ang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue hemorrhagic fever sa siyudad kung saan umaabot na sa 416.7% ang kaso mula Enero 2019.
Ayon kay Treñas, nakakaalarma ang kaso ng dengue kung saan kada araw ay hindi bababa sa tatlo ang nabibiktima ng dengue.
Aprubado naman ayon sa alkalde ang pondo para sa pagbili ng kemikal kontra dengue at iba pang mga equipment.
Napag-alaman na walo na ang patay at mahigit 700 na ang kaso ng dengue sa Iloilo City.