-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tuluyan nang isinailalim sa state of calamity ang Iloilo City.

Sa interview ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagtaas ng kaso ng acute gastroenteritis at cholera sa Iloilo City.

Ayon kay Treñas, nagsagawa mismo ang Iloilo City Council ng special session kung saan inaprubahan ang pagdedeklara ng state of calamity.

Nangangahulugan na maaari nang magamit ang calamity fund ng lungsod upang masugpo ang outbreak.

Base sa tala ng Iloilo City Health Office, siyam na ang namatay sa higit 200 na kaso ng acute gastroenteritis at cholera na naitala sa naturang lungsod.

Nagbigay na rin ng diarrhea management control procedure ang lokal na pamahalaan para maagapan ang sitwasyon sa lugar at maibsan ang pananakit ng tiyan ng mga pasyente.

Kumuha na rin ng water sample ang city health office at iniimbestigahan ang water source ng mga apektadong residente.

Ipinasara naman ang mga water refilling stations na hindi pumasa sa water quality test.