-- Advertisements --

ILOILO CITY – Magpapatupad ng border control ang Iloilo City Government kasabay ng pagsailalim sa lungsod sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang border control ay magsisimula sa Myerkules, Mayo 25.

Tatanggapin pa rin ang mga Locally stranded individuals at Returning Overseas Filipino ngunit kailangan na sumailalim sa swab test.

Ang mga non-essential businesses ang pansamantala namang isasara hanggang sa katapusan ng buwan.