-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpapagaling na ngayon si former Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog matapos sumailalim sa operasyon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay former Iloilo City First Lady Maria Victoria Mabilog, sinabi nito na mayroong Congenital band ang kanyang mister na nagresulta sa intestinal obstruction.
Ayon kay Mabilog, isinailalim sa laparotomy ang dating alkalde na isang surgical incision sa abdominal cavity.
Marami rin anyang mga nakakabit na tubo ngayon sa dating alkalde kung saan nanawagan ang maybahay nito sa publiko nga panalangin sa mabilis na paggaling ng kanyang mister.