-- Advertisements --

ILOILO CITY – Binanatan ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas si Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque hinggil sa patutsada nito sa paglobo ng COVID-19 cases sa lungsod.

Ito ay kasunod ng pagkumpirma ni Roque na personal na humingi ng tulong sa kanya ang alkalde upang dagdagan ang COVID-19 vaccine sa Iloilo City.

Ngunit sa halip na tugunan mas binigyan diin ni Roque na ang bakuna ay bahagi lang ng solusyon laban sa virus at ang dahilan umano ng paglobo ng COVID-19 cases ay ang paglabag sa mga protocol.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kayTreñas, sinabi nito na mas mabilis pa pananalita ni Roque keysa sa kanyang pag-iisip.

Umalma rin ang alkalde dahil sa hindi patas na vaccine allocation sa Western Visayas.