-- Advertisements --

ILOILO CITY – Idinulog ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang problema sa usad-pagong na transaction process sa DFA-Western Visayas na inuulan ng reklamo ng mga passport holders sa rehiyon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Treñas, sinabi nito nito na sa ipinadalang sulat kay Sec. Locsin at kay Sheila Marie Tu, Officer in Charge ng Regional Consular Office, hiniling nito ang speedy appointment at transaction process ng mga indibidwal kagaya ng application, renewal at release ng passports.

Ayon sa alkalde, maging sa DFA website, wala ng available slots para sa appointment hanggang sa buwan ng Agusto 2022.

May mga reports rin na may mga fixers mula sa ibang ahensya upang mapadali ang appointment sa DFA.

Inirekomenda ng alkalde na dagdagan ng DFA ang personnel na in-charge sa processing ng appointments.

Aniya, kahit nasa period ng adjustment ang DFA dahil sa pandemya, responsibilidad nito bilang ahensya ng gobyerno na maibigay ang efficient service sa mga residente.