-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagbabala si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa publiko laban sa mga gumagamit ng kanyang pangalan at ng Iloilo City Government para sa hindi otorisado na paghihingi ng donasyon.
Ito ay kasunod ng impormasyon na may naglilibot at humihingi ng ₱1,000 sa mga gustong mapasama sa “Pambansang Pabahay Program”.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Treñas, sinabi nito na sumusuot ng sotana ang naglilibot sa lungsod upang humingi ng pera.
Ayon sa alkalde, hindi maganda ang ginagawa ng mga ito dahil hindi otorisado ang paghihingi ng mga ito ng donasyon.
Nilinaw ni Treñas na wala itong utos kagaya ng ginagawa ng mga nanghihingi.
Nagbabala naman ang alklade sa publiko at sa mga negosyante na maging maingat.