Iloilo City Mayor Jerry Treñas, nanawagan sa DFA sa pamamagitan ng Bombo Radyo na imbestigahan ang anomaliya sa passport appointment slots ng mga recruitment agencies
ILOILO CITY – Umapela si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa Department of Foreign Affairs (DFA) na dagdagan pa ang slots para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Western Visayas upang mapadali ang appointment at transaction process.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, sinabi nito na mas maraming OFWs ang mula sa rehiyon VI at malaking problema ang kakulangan ng slots maging sa website ng DFA.
May mga reklamo na ipinaabot sa Bombo Radyo na wala nang available slot para sa appointment hanggang Agusto 2022.
Inaasahan rin ng alkalde na mas marami na ang ma-cater ng DFA regional consular office kasunod ng anunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr na epektibo sa Marso 14, titigil na ang ahensya sa pagbigay ng passport appointment slots sa mga recruitment agencies.
Sa halip na slot, kailangan mag-online na ang mga recruiters ng overseas Filipino workers (OFWs) upang maka-secure ng appointment sa DFA.