ILOILO CITY – Pinag-aaralan na ng Iloilo City Government ang pagsampa ng kaso laban sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na inutusan na niya ang City Legal Office sa pagsampa ng kasong administratibo at kriminal laban sa PhilHealth sa Blue Ribbon Committee at Office of the Ombudsman.
Maliban dito, magsasampa rin ang City Government ng kasong paglabag sa Anti-Red Tape Act sa dahil sa kabiguang mabayaran ang mga hospital claims na umaabot sa isang bilyong piso.
Ayon sa alkalde, ang hindi pagbabayad ng PhilHealth sa hospital claims ay magreresulta sa hindi na pagtanggap ng mga COVID-19 patients dahil sa kakulangan sa COVID at ICU beds.