-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hinamon ng suntukan ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin Jr matapos pinuna ng kahilim sa paninisi umano ng alkalde sa mga mamamayan nito sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, sinabi nito na hindi niya hahayaang insultuhin siya ng kalihim na wala namang anyang nagawa para sa bayan.

Ninilaw rin ni Treñas na hindi na sinisisi ang mga mamayan sa halip anya ay nagpaalala siya na dapat ay sumunod sa health protocol.

Minura rin ng alkalde ang kalihim kasabay ng akusasyon na posibleng naka-droga si Locsin.

Nanindigan si Treñas na hindi siya kailanman mananahimik kasabay ng pagkwestyon sa intelektwal na kakayahan ng kalihim.

Pinuna rin ng alkalde si Locsin na wala aniyang ginagawa kundi ang humawak lang ng kanyang cellphone at mamintas sa kamailan ng iba sa Twitter.