ILOILO CITY – Sasampahan ng kaso ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang head at financial officers ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Region VI ngayong araw.
Ito ay may kaugnayan sa hindi pagbayad ng ahensya ng halos isang bilyong pisong utang sa mga ospital at Uswag Iloilo Molecular Laboratory sa lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor Treñas, sinabi nito na nilagdaan na niya ang formal complaint na ipapasa sa Blue Ribbon Committee at Office of the Ombudsman.
Magsasampa rin ng kaso ang Iloilo City Government ng paglabag sa Anti-Red Tape Act.
Ayon sa alkalde, lumalala na ang sitwasyon ng mga ospital sa lungsod kung saan kinukulang na ang mga intensive care unit (ICU) beds, at iba pang mga equipment, kaya nararapat anya na magbayad na ng utang ang PhilHealth.