-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpasaklolo na sa national government ang Iloilo City government matapos na umabot na sa high risk ang hospital utilization rate sa lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jeck Conly, spokesperson ng COVID-19 team ng Iloilo City sinabi nito nangangailangan ang lungsod nga karagdagang hospital beds at supply ng bakuna kasunod ng mahigit na 100 na kaso ng COVID-19 ang naitatala araw-araw sa loob ng isang linggo.
Ayon kay Conlu, dahil sa lomolobong kaso, plano na ring gamitin ang St. Therese Hospital bilang Level 1 Hospital.
Dagdag ni Conlu, pinabibilis din ang pagpapatayo ng modular hospital para sa mga residente ng lungsod.