-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpatupad na ang Iloilo City ng mandatory na pagsuot ng face mask sa iilang lugar sa lungsod sa gitna nga pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang pagsuot ng face mask ay mandatory sa loob ng mga establishments at public utility vehicles.

Ayon kay Treñas, ang nasabing hakbang ang naisip nitong paraan upang maiwasan ang paglobo ng kaso ng nasabing virus.

Napag-alaman na hindi rin pinapagayan ang mga empleyado at bisita sa pagpasok sa Iloilo City Hall na hindi nakasuot ng face mask.

Anya ang kaso ng virus sa lungsod ay patuloy sa pagtaas ngunit ang hospital utilization rates naman ay nananatiling mababa.

Matandaan na nito lang ay tinamaan ng COVID-19 si Treñas kung saan dinala ito sa ospital ngunit nakalabas na.