-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakapagtala na ang Iloilo City ng pinakaunang kaso ng Monkeypox.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Trenas, sinabi nito na ang nasabing pasyente ay naka-isolate na ngayon sa isang ospital sa lungsod.

Ayon kay Trenas, residente sa isang hindi pinangalanang bayan sa Lalawigan ng Iloilo ang pasyente at nagtatrabaho sa isang fast food chain sa lungsod.

Isang nurse naman ang naka-close contact ng nasabing pasyente at naka-isolate na ngayon.

Maliban dito, may anim na iba pang mga naka-close contact ang pasyente sa kanilang bahay sa Lalawigan ng Iloilo.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng contact tracing ang Iloilo City Epidemiology and Surveillance Unit sa mga nakasalamuha ng nasabing pasyente.