-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakapagtala na ang Iloilo City ng pinakaunang kaso ng African Swine Fever.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na nagsagawa na ng quarantine measure sa loob ng 500-meter radius sa pinakaunang sa Zone 5 Brgy. Tacas, Jaro, Iloilo City kung saan naitala ang index case sa lungsod.

Ayon kay Treñas, nakatanggap siya ng ulat mula sa Department of Agriculture na sa 17 mga samples, isa ang nagpositibo sa African Swine Fever.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang African Swine Fever Task Force ng lungsod sa mga barangay officials upang matiyak na nasusunod ang protocols.

Tiniyak naman ng alkalde na mabibigyan ng financial assistance ang mga apektadong hog owners.

Nagsasagawa rin anya ng mahigpit na disinfection sa Iloiloilo City Slaughterhouse.

Sa mga public markets naman, mahigpit rin na ipagbabawal ang pagpasok ng mga baboy mula sa mga lugar sa Iloilo City at sa lalawigan na apektado ng African Swine Fever.