ILOILO CITY – Arestado ang isang store owner matapos nagpaputok ng kanyang armas na ikinasugat ng kanyang kapitbahay sa Zone 2, Barangay Rizal, La Paz, Iloilo City.
Ang arestado ay si Nilo Magcanam at ang biktima naman ay si Kate Nichole Cambronero, 20, na nagtamo ng sugat sa kaliwang paa at dinala sa West Visayas State University Medical Center.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Jose Val Ladublan, hepe ng La Paz Police Station, sinabi nito na nangyari ang insidente habang natutulog sa kanilang bahay ang biktima kasabay ng pagsalubong sa bagong taon.
Anya natukoy ang suspek base na rin sa trajectory ng bala mula sa kanyang bahay.
Inamin rin naman nito na siya ang nagpaputok ng baril.
Hindi naman narekober ang armas ngunit nakuha naman sa bahay ng suspek ang empty shell ng .45 caliber pistol.
Ang suspek ay nahaharap naman sa kasong paglabag sa illegal discharge of firearm and reckless imprudence resulting to physical injury.
Napag-alaman na ito na ang ikalawang stray bullet incident sa Western Visayas, partikular sa Lungsod ng Iloilo mula noong Pasko.