-- Advertisements --

Nominado ang lungsod ng Iloilo na maging myembro ng executive board ng City Net, ang pinakamalaking asosasyon ng urban stakeholders na commited sa sustainable development sa Asia Pacific region.

Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, tutungo siya sa Kuala Lumpur, Malaysia sa susunod na Linggo upang kumatawan sa lungsod sa 9th CityNet Congress na isasagawa mula Septyembre 20 hanggang 24.

Ayon pa sa alkalde, malaking oportunidad ito na makilala pa ang Iloilo City sa international community at sa pag-establish ng Asia-Pacific regional partnerships, paghahanap ng kolaborasyon, at pag-bahagi ng best governing practices at urban development goals.

Sa naturang quadrennial event, inaasahang dadalo rin ang iba pang city mayors, administrators, civic leaders, at international experts upang gumawa ng mga estratehiya para sa local governments tungo sa sustainable, innovative, at resilient na mga komunidad.