ILOILO CITY – Hindi kinatigan ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., ang akusasyon ni dating Health Secretary at ngayon Iloilo First District Rep. Janette Garin na hindi patas ang alokasyon ng bakuna sa Western Visayas lalo na sa Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Defensor, sinabi nito na may sinusunod na national at local vaccination plan para sa mga local government unit sa bansa.
Naniniwala si Defensor na patas ang national government sa pamimigay ng bakuna at naiintindihan nito na prayoridad ng gobyerno ang mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.
Nararapat ayon sa gobernador na kung may problema sa vaccine allocation, ipaabot na lang ang problema sa national government at iwasan ang batuhan ng maaanghang na salita.