-- Advertisements --

ILOILO CITY – Itinanggi ni Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr. na sinadya nitong hindi pansinin ang mga tawag ni dating Department of Health (DOH) secretary at ngayon Iloilo 1st District Rep. Janette Garin kaugnay sa repatriation ng overseas Filipino workers (OFW).

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Governor Defensor, sinabi nito na wala siyang dahilan upang hindi pansinin si Garin sa kabila ng hindi nila pagiging magkaalyado noong eleksyon.

Ayon sa gobernador, nagpalit siya ng unit ng cellphone at maaring hindi nakarehistro ang numero ni Garin kung kaya’t hindi niya ito napagtuunan ng pansin.

Una nang sinabi ni Garin na wala siyang alam sa repatriation ng OFW na umuwi sa isla ng Panay at hindi siya nakapagpaabot ng tulong dahil hindi pinansin ng gobernador ang mga tawag nito.