ILOILO CITY – Malaki ang posibilidad na hindi na matutuloy ang Iloilo-Guimaras-Negros Bridge.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Presidential Assistant for the Visayas Assistant Secretary Jonji Gonzales, sinabi nito na si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nag-utos na ibasura ang plano hinggil sa pagpapatayo ng tulay sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon kay Gonzales, mismo ang economic managers ni Duterte sa pamumuno ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ang nagpahayag na kulang ang pondo ng gobyerno para sa 75 infrastructure projects na balak ipatayo.
Inihayag ni Gonzales na hindi feasible ang nasabing proyekto kung kaya’t ibinasura ito ng pangulo.
Inihalimbawaa naman ng opisyal ang tulay na ipapatayo sana sa Cebu City at Bohol ngunit dahil hindi feasible ang plano, hindi muna ito itinuloy.
Sa ngayon, makikipag-ugnayan muna siya sa Department of Public Works and Highways hinggil sa Iloilo-Guimaras-Negros Bridge na inaasahan na makakatulong sa sektor ng transportasyon.