Umarangkada na ang kinasasabikang Iloilo-Guimaras Paraw Festival na siyang tinaguriang oldest at largest traditional craft event sa Asya at ang pinakamalaking sailing event sa buong bansa.
Ang Paraw Regatta ay isang taunang pagdiriwang tuwing buwan ng Marso sa Iloilo City.
Ito ay ang paligsahan ng mga bangka na dumadaan sa Iloilo Strait na nagtatampok ng paraw, isang dobleng katig na gawa sa Bisayang layag ng bangka.
Pinangunahan ng chairperson na si Mr. John Lex Espinosa-Bayombong ang paglunsad ng 51st edition ng festival na ito na may temang ‘In the Waves of Change’.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Bayombong, sinabi nitong parte ng sailing event na ito ay ang iconic na paraw sailboat, races, cultural performances, at lively street parade bilang tribute sa local fishing community o mga mangingisda.
Kinasasabikan rin ng mga bisita ang mga aktibidad mula ngayong araw hanggang Marso 3 katulad ng Pinta layag; Pinta Regatta contest; Paraw Regatta Job Fair and Miniature Paraw contest; Slalom Race; Paraw Duathlon, beach sports, Sinamba Sa Regatta; Paraw main race, Pinta Tawo, Pinta Layag judging, Paraw Lechon contest, Paraw Beach Bodies, Lighted paraw and fireworks display, photo contest, at iba pa.
Unang ginanap ang Paraw-Regatta Festival noong 1973, at ito ay patuloy na pinagdiriwang upang ingatan at ipagmalaki ang paraw na isang malaking parte ng kasaysayan ng mg Ilonggo.