-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inaasahan na mas dadami pa ang mga turista na pupunta sa Iloilo, kasabay ng pagkilala sa lungsod bilang food haven of the Philippines sa pamamagitan ng resolusyon na naipasa sa Sangguniang Panlungsod.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Councilor Rudolph Jeffrey Ganzon, chairman ng Committee on Tourism sa konseho, sinabi nito ang nasabing resolution ay long overdue na.

Maliban sa world class na Dinagyang Festival, dinadayo rin ng mga turista ang Iloilo City at Province dahil sa masasarap na pagkain kagaya ng Batchoy at Pancit Molo.

Anya, maging si Tourism Secretary Bernadette Puyat ay kinilala rin ang natatanging lasa ng mga pagkaing Ilonggo.