-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpaliwanag ang isang alkalde sa Iloilo matapos umagaw ng pansin ang isang palikuran sa paaralan ng Alimodian na para sa mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ +) community.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Mayor Gefree Calay Alonsabe na layunin ng proyekto na kilalanin ang karapatan ng mga mag-aaral ng Alimodian Central Elementary School na kinikilala ang kanilang sarili bilang parte ng komunidad.
Bukod dito, nais din daw ng alkalde na matutunan ng kabataan ang pagrespeto at paggalang sa isa’t isa para maiwasan ang bullying.
Nagpatayo rin ang lokal na pamahalaan ng hiwalay na palikuran para sa mga persons with disabilities (PWD).