-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpositibo sa Dengue Hemorrhagic Fever si ang alkalde ng bayan ng Lambunao, Iloilo.
Si Mayor Reynor Gonzales ang dumagdag sa lumolobong listahan ng mga dengue patients sa lalawigan.
Ayon sa Provincial Health Office, mahigit na sa 400 ang kaso ng dengue at tatlo na ang patay sa bayan ng Lambunao mula Enero 1 hanggang Hulyo 20.
Ang Lambunao ang ilan lamang sa mga bayan sa probinsya na may mataas na kaso ng nasabing sakit.
Maliban kay Gonzalez, ilan sa mga pulitiko sa Iloilo na nagpositibo sa Dengue Hemorrhagic Fever ay si Iloilo City Councilor Ely Estante at ang dalawang anak na babae ni Maasin Mayor Francis Amboy.
Samantala, ang nag-iisang anak ni dating Janiuay Mayor Jose de Paul ang kabilang naman sa mga namatay dahil sa dengue.