-- Advertisements --

Tinuturing na malaking karangalan ng Iloilo Provincial Government na mapili ng World Health Organization na maging venue para sa pinakaunang selebrasyon ng World Heart Day dito sa Pilipinas.

Ang World Heart Day ay gaganapin bukas Septyembre 29, 2022 sa Iloilo Provincial Capitol.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Ma. Socorro Quiñon, Head ng Iloilo Provincial Health Office, sinabi nito na kasabay ng selebrasyon ay may handog na Carousel of Health Services sa Capitol lobby kung saan ang lahat ay maaaring mag avail ng libreng Health Services katulad ng *PinasLakas COVID-19 Vaccination (Primary at Booster Shots); Family Planning Services;Human Immunodeficiency Virus testing at Screening sa Department of Health Mobile Diagnostic Center; Mental Health Counselling/Nutrition Councelling;
*Cardio Vascular at iban pang Non-Communicable Diseases Risk Assessment and Screening; at iba pa.

Ayon kay Quinon, magiging panauhin sa akitibad ay ang mga kinatawan mula sa World Health Organization at World Heart Federation.

Napili ang lalawigan ng Iloilo na maging venue ng World Heart Day dahil nasaksihan mismo ng World Health Organization ang impresibong pagpapatupad ng Healthy Hearts Project nang bumisita ang mga ito sa lalawigan.