-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isinailalim na sa state of calamity ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang Iloilo kaugnay ng dengue outbreak.

Sa ilalim ng Resolution No. 4-2019, inatasan ng local agency ang provincial government na gamitin ang P26.5-milyong budget para sa mitigating measures na makakasugpo sa mataas na kaso ng dengue sa lalawigan.

Dapat itong magamit sa mga ospital, pasyente, pambili ng gamot, repellants at dengue spray.

Hiniling ni Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr. sa naturang ahensya na ideklara ang state of calamity sa lalawigan para masolusyonan ang lumalang kaso ng dengue hemorrhagic fever.

Batay sa datos ng provincial health office, nasa 904-percent na ang kaso ng dengue sa Iloilo kung saan 24 na ang patay.