-- Advertisements --

ILOILO CITY – Naka-lockdown ang Iloilo Provincial Capitol simula ngayong araw, Setyembre 7.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sinabi nito na ang nasabing hakbang ay upang bigyang daan ang disinfection sa mga opisina ng mga personnel ng kapitolyo na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Defensor, magtatagal ang lockdown ng dalawang araw.

Sa ngayon, nagsasagawa pa ng contact tracing sa mga nakasamuha ng mga empleyado na nagpositibo sa virus.