ILOILO CITY – Mas hinigpitan pa ang Iloilo Provincial Government ang border control sa mga katabing lalawigan matapos ang pagkalat ng African Swine Fever sa buong Western Visayas.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Darel Tabuada, Iloilo Provincial Veterinarian, sinabi nito na nagdagdag sila ng mga personnel sa mga paliparan at pantalan partikular sa Dumangas Port at Bay-ang Port sa bayan ng Ajuy.
Ayon kay Tabuada, mas mura ang presyo ng buhay na baboy sa ibang lalawigan kagaya ng Negros Occidental at Antique kung ihambing sa Iloilo.
Sa ngayon, ang ginagawa ng mga personnel ng Provincial Veterinary Office upang matiyak na walang African Swine Fever ang mga baboy mula sa Negros Occidental ay ang paghigpit sa mga dokumento kagaya ng Certificate of Free Status kung saan nagpapatunay ito na hindi infected ng sakit ang baboy mula sa ibang lalawigan.
Kun pagbabasehan naman ang swine inventory, mayroong 90,543 hog heads ang lalawigan ng Iloilo at sapat pa ito sa consumption ng mga residente.
Matandaan na ang unang kaso ng sakit sa baboy sa Western Visayas ay unang naitala sa Iloilo province noong nakaraang taon hanggang sa kumalat na ito sa Guimaras, Capiz, Aklan, Negros Occidental at Antique.