Target ng Iloilo provincial government na gamitin ang rice hybrid program ng national government para ma-maximize ang production, maka-export, at masigurado ang buffer stock.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sinabi nitong mula sa 3.5 metric tons per hectare na produksyon ngayon, target ng probinsya na aakyat ito sa 5.5 metric tons.
Inaasahan nitong makausap si Department of Agriculture (DA) Regional Executive Director (RED) for Western Visayas Dennis Arpia para sa detalye ng kanyang planned program.
Base sa Provincial Agriculture and Fisheries Extension System, 3,000 hectares ng 6,000 hectares na targeted para sa hybrid rice program ang nagamit para sa first cropping.
Kung may produkto na 4 metric tons per hectare, ibig sabihi ang total production ay nasa 12,000 metric tons.
Napag-alamang ang current rice area ay nasa 132,000 hectares at yara sa 163 percent na sufficiency rate.