-- Advertisements --

ILOILO CITY-Nagpasa ng resolution ang Iloilo Provincial Board bilang pagkilala sa isang Ilongga na recipient ng United Nations Bravery Award.

Ito ay si Captain Johanna Portillo, tubong Maasin, Iloilo na pinarangalan rin kasabay ng International Day of United Nations Peacekeepers at sa 60th Anniversary ng United Nations Peacekeeping Operations.

Si Portillo ay ang nag-iisang babaeng kasapi ng Military Observers and Contingent Force ng UN Multidimensional Peacekeeping Mission in Central Africa kung saan ipinakita nito ang high level of professionalism, excellence, and leadership nang na-deploy ito mula Marso 2022 hanggang Marso ngayong taon.

Siya rin ang pinakabata at nag-iisang female Marine Officer mula sa Pilipinas na bahagi ng naturang misyon at ang may hawak ng rekord ng longest patrol sa kasaysayan ng naturang Peacekeeping Mission sa Central Africa.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Portillo, sinabi nitong na-involve rin ito sa actual encounter sa armadong grupo habang nagsasagawa nga team site patrol.

Ayon kay Portillo, ang karangalan na kanyang natanggap ay isang paalala na naging bahagi siya ng isang once-in-a-lifetime mission na nakatulong sa kapayapaan sa Central Africa.