-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pumirma na ang pamahalaang panlalawigan ng Iloilo sa multi-lateral agreement para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sinabi nito na ang nasabing virtual signing ay sa pagitan ng Department of Health, national Inter-Agency Task Force, at British-Swedish multinational pharmaceutical at biopharmaceutical company na AstraZeneca.

Ayon sa gobernador, 271,000 doses ng bakuna ang bibilhin ng lalawigan kung saan P95-milyon ang inilaan para rito.

Dagdag pa ng opisyal, nakahanda na rin ang cold storage facility ng lalawigan sa Iloilo Sports Complex at sa mga provincial at district hospitals.