-- Advertisements --

ILOILO CITY – Humingi ang local government unit ng Iloilo sa Canada ng COVID-19 vaccines.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Fourth District Board Member Rolando Distura na siyang may akda ng resolusyon, sinabi nito na ipinadala nila ito kay Canadian Prime Minister Justine Trudeau sa pamamagitan ni Canadian Ambassador to the Philippines Peter MacArthur.

Napag-alaman na may natitirang 100 million doses ng surplus COVID-19 vaccines ang Canada na kinabibilangan ng Pfizer, Moderna, COVISHIELD, AstraZeneca at Janssen.

Ngunit ang hindi lang nabigyan lang ng emergency use authorization sa Pilipinas ay ang COVISHIELD.

Ninilaw naman ng opisyal na dadaan pa rin sa national government sakaling magbibigay ng donasyon ng bakuna ang Canada sa Iloilo.