ILOILO CITY – Itinanggi ni Iloilo City Rep. Julienne Baronda ang paratang sa kanya na nag-flip-flop umano ito sa kanyang naging desisyon kaugnay sa Panay Electric Company at MORE Electric and Power Corporation.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Rep. Baronda, nilinaw nito na ang kanyang hindi pagpabor sa re-application ng franchise ng PECO ay dahil sa hindi magandang serbisyong binibigay nito sa mga consumers.
Ani Baronda, sentimyento lamang ng karamihan ang kanyang inaalala.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang legal battle sa gitna ng dalawang electric company upang maging electric power distributor sa lungsod ng Iloilo.
Kaugnay nito, naglabas din ng mandato si Judge Daniel Antonio Gerardo Amular ng Regional Trial Court Branch 35, na sundin ng magkabilang kampo ang gag order na huwag munang magbigay ng pahayag sa media hangga’t hindi pa tapos ang pagdinig sa kaso.