Suportado ni Iloilo Representative Janette Garin ang pagbuhay sa panukalang batas at maipasa ng Kamara ang half-cup rice serving sa mga restaurants.
Layon nito na maiwasan ang pagkakasayang ng kanin, mai-promote din ng balanse at sustainable eating habits Na tinitiyak ang mas malusog na bahagi ng pagkain.
Iminumungkahi din ni Rep. Garin na dapat ding piliin ng mga may-ari ng restaurant ang mga sweet potato fries kaysa sa regular na potato fries hindi lamang para magdagdag ng masarap na twist sa mga pagkain kundi para mapahusay din ang nutritional value.
Ayon sa doktorang mambabatas ang kamote ay mayaman sa Vitamin A at fiber, na nagtataguyod ng kalusugan ng mata at pangkalahatang kagalingan.
Ang paggawa ng simpleng switch na ito ay umaayon sa lumalaking diin sa mas malusog na mga pagpipilian sa pagkain sa industriya ng kainan.
Naniniwala din ang Kongresista na ang mataas na reliance sa Kamote ay magpapalakas sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at makatutulong sa paglago ng agrikultura sa loob ng komunidad.
Diin pa ni Garin na walang kamote ang dapat mabulok at panahon na para ipatupad ito sa bansa.
Ang pahayag ni Garin ay bunsod sa ulat na maraming kanin ang nasasayang at itinatapon na lamang.