-- Advertisements --

ILOILO CITY- Walang mapaglagyan ang kasiyahan ng isa sa mga topnotchers sa June 2023 Licensure Examination for Physical Therapists.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Shayne Minasalbas ng Brgy. Constancia, San Lorenzo, Guimaras at nagtapos ng Physical Therapy sa Iloilo Doctors’ College, sinabi nito na pinangarap lamang niya na pumasa ngunit hindi nito inakala na higit pa ang ibinigay ng Diyos sa kanya matapos nag-rank #2 ito sa nasabing eksaminasyon.

Ayon kay Minasalbas, bago kumuha ng board exam, pumunta ito sa walong simbahan sa lungsod ng Iloilo bilang tradisyon ng kanyang pamilya kapag kukuha ng board exam.

Inamin naman nito na ang pangarap sana niya ay pasukin ang industriya ng pamamahayag ngunit ayon sa kanya, may dahilan ang Diyos kung bakit nilagay siya sa healthcare.

Napag-alaman na nagtapos si Minasalbas sa Junior High School bilang valedictorian, Senior High School with Highest Honors at sa kolehiyo bilang Magna cumlaude.