-- Advertisements --

ILOILO CITY – Ibinahagi ng Ilonggo designer na si Ram Silva ang kanyang inspirasyon sa outfit ni Rabiya Mateo sa close door interview ng 69th Miss Universe.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Silva, sinabi nito na ang outfit ni Rabiya ang gawa sa hablon at may mga pearl embellishments .

Ayon kay Silva, may nakalagay na katagang Pinay sa likod ng outfit ni Rabiya na gawa sa sequins and beads at hango sa kulay ng Philippine flag.

Nais anya ng Ilonggo designer na maipakita sa mundo na si Rabiya ay kinatawan ng isang palaban na Pinay na hindi basta-basta sumusuko sa anumang hamon ng buhay.

Napag-alaman na suot rin Rabiya ang hikaw na pinahiram ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.