-- Advertisements --

Nasungkit ng Film na Baboy Talunon o Wild Boar directed by Ilonggo Kevin Pison Piamonte ang Best International Short Film sa Uruvatti International Film Festival sa India.

Sa exclusive interview ng Star FM Iloilo kay Director Kevin Pison Piamonte na tubong Iloilo City aniya hindi niya akalain na mananalo ang “Baboy Talunon” bilang best International Film dahil matapos silang iinform na official selected na ito sa Uruvatti International Film Festival sa India ay malaki na umano ang kanyang pasasalamat. Ang Award ay pinadala dito sa Iloilo.

Dagdag pa niya Ang baboy Talunon ay film tungkol sa mga pinatay na mga Lumads o Indigenous people sa ilang bahagi ng probinsiya ng Iloilo. Ito ay storya ng isang batang lalaki kung paano ito tinuruan ng kanyang Ama depensahan ang kanyang sarili sa ligaw na baboy (Wild Boar). At isang gabi nakita nito kung paano patayin ang kanyang Ama ng mga Militar at dito na nagsimula ang pagtugis sa bata ng militar sa kagubatan.
Ang batang lalaki sa pelikula ay inihalintulad sa Baboy Talunon o Wild Boar.

Ito ay base sa short story na “Habulan” ni Ferdinand Pisigan Jarin and was adapted into a screenplay ni Kenneth de la Cruz and produced by Robert Rodriguez, na pinagbidahan ng mga Ilonggo Artist na sina Aljon Flores, Ron Matthews Espinosa, GC Castro, at Rhea Molicara-Sevillo .