ILOILO CITY – Itinuturing na “dream come true” ng isang Ilonggo filmmaker ang nasungkit na Erasmus Mundus Scholarship grant mula sa European Union.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Kenneth dela Cruz ng Sta. Cruz, Arevalo, Iloilo City, sinabi nito na kahit malayo ito sa kurso niyang accountancy, malaki ang pasasalamat nito sa ibinigay na pagkakataon para mapatuloy ang karera sa paggawa ng pelikula.
Aniya, nagsimula ang kanyang hilig sa pagsali sa mga short film contests, at ikinagulat nito na natanggap ang kanyang application sa nasabing scholarship.
Si dela Cruz lamang ang nag-iisang Filipino na natanggap sa Kino Eyes Film Masters sa ilalim ng Erasmus Mundus scholarship program sa Europa.
Ang ila sa mga obra maestra ng Ilonggo filmmaker ay ang ‘Bulawan Nga Usa’ na nominado sa 2023 Cinemalaya Independent Film Festival.
Umaasa si dela Cuz na mapabuti pa ang kalidad ng regional cinema sa Pilipinas at sa buong mundo.