-- Advertisements --
STAN VAN GUNDY PELICANS
Coach Stan Van Gundy

Kinumpirma na rin ng beteranong coach na si Stan Van Gundy na pumayag na siyang maging bagong head coach ng New Orleans Pelicans.

Ayon kay Van Gundy excited na siyang hawakan ang mga bata at talentadong players ng Pelicans.

Si Stan ay inabot na rin ng mahigit sa 11 seasons sa pagko-coach sa NBA, kabilang na ang paghawak niya sa Miami Heat, Orlando Magic at Detroit Pistons.

Habang siya na ngayon ang ika-pitong head coach sa franchise history ng Pelicans.

Sinasabing kabilang sa abilidad ni Stan ay ang pagpapalakas sa team sa pamamagitan ng depensa.

Sa katunayan dinala pa niya ang Orlando Magic sa 2009 NBA Finals.

Malaking hamon naman ang bagong trabaho ni coach Stan lalo na ang Pelicans ay umabot lamang sa pang-13 pwesto sa Western Conference.

“I’m excited to join a talented New Orleans Pelicans team,” ani Van Gundy sa Twitter. “It will be an honor to work with our players and to work for Mrs. Benson and David Griffin, Trajan Langdon, their staff and the great people of New Orleans. I can’t wait to talk to our players and get the process started.”

PELICANS 1

Sinabi pa ng coach, maganda raw itong pagkakataon na palakasin pa ang koponan kung saan kabilang sa mga batang players ay ang No. 1 overall pick noong nakaraang taon na si Zion Williamson.

Kasama rin sa line up ang Most Improved Player noong nakaraang taon na si Brandon Ingram.

Ang 2019 lottery pick na si Jaxson Hayes, 2019 No. 17 pick, Nickeil Alexander-Walker at nandiyan din ang mga point guards na sina Ball at Josh Hart.