Usap-usapan ngayon ng mga boxing fans ang mistulang pasaring na naman ni Floyd Mayweather Jr. kay Sen. Manny Pacquiao.
Sa panibagong social media post ni Mayweather, ipinakita nito ang listahan mula sa BoxRec kung saan nasa tuktok ng mga tinaguriang “greatest of all time” ang kanyang pangalan.
Giit ng dating pound-for-pound king, hindi umano nagsisinungaling ang mga numero at tama raw ang statistics ng boxing publication.
Hindi rin nakaiwas sa tila banat ni Mayweather si Pacquiao lalo pa’t nasa ikalawang puwesto sa listahan ang fighting senator.
Lumutang ang posibilidad ng rematch sa pagitan nina Pacquiao at Mayweather matapos magpatutsadahan ang dalawa sa social media.
Nitong nakaraan nang mag-post si Mayweather sa kanyang Instagram account na nagsasanay sa isang boxing gym.
Samantala, inihayag ng kanang kamay ni Pacquiao na si Sean Gibbons na mas maganda raw ang 62-7 win-loss record ng Pinoy ring icon kumpara sa malinis na kartada ni Mayweather.
Ikinumpara rin ni Gibbons si Pacquiao kay boxing legend Sugar Ray Robinson na dalawa sa “greatest fighters” sa kasaysayan.
“There’s only one Manny Pacquiao and there’s only one Manny Pacquiao that’s accomplished what he’s done in the history of boxing and that’s [being] an eight-time world champion,” wika ni Gibbons.
“I look at his bodywork and what he’s done. Floyd Mayweather can walk around with his 50-0 all day. Cherrypicked a few of those and I think he got beat early in his career by Jose Luis Castillo,” dagdag nito. “The senator has never turned a fight down. He may lost a few along the way but his 62-7 is greater than your 50-0.”