Nakabalik na ang Imahe ng Jesus Nazareno sa Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church.
Eksaktong 1:26 ng umaga nitong Biyernes, Enero 10, 2025 ng makapasok ang imahe ng Hesus Nazareno sa Minor Basilica.
Umabot sa 20 oras at 45 minuto at apat segundo ang kabuuang Traslacion kung saan umalis ang andas mula sa Quirino Grandstand ng 4:41 ng umaga ng Huwebes, Enero 9, 2025.
Base sa mga otoridad na tinatayang aabot sa mahigit walong milyong mga deboto ang dumalo sa taunang Traslacion.
Mas malaki ang bilang na ito noong nakaraang taon na mayroong estimate na 6.5 milyon katao na dumalo at umabot lamang ang Traslacion ng 14 oras, 59 minuto at 10 segundo.
Nagkaroon lamang ng pagbagal ng andar ng andas dahil sa sinasalubong ng mga deboto ito na siyang nagpapaantala ng galaw ng andas.
Ito ang unang pagdiriwang mula ng ideklara bilang “national feast” sa lahat ng dioceses sa bansa ang kapiyestahan ng Hesus Nazareno.