Magdadala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng replika ng Our Lady of Peace and Good Voyage sa Pag-asa Islands sa Palawan.
Kahapon nang pinangunahan ni PCG head chaplain Fr. Lowie Palines ang selebrasyon ng misa sa Antipolo Cathedral na tinatawag ding International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage kung saan hiniling niya sa mga deboto na manalangin para sa kapayapaan at proteksyon sa mga karagatang ‘bigay ng Diyos’.
Ayon kay Fr. Palines, humiling ang PCG ng dalawang replica ng Our Lady of Peace and Good Voyage kung saan isa rito ay dadalhin sa iba’t-ibang mga PCG headquarters at coast guard stations sa buong bansa habang ang isa ay dadalhin sa Pag-Asa Islands.
Pangungunahan ng PCG ang paglilibot sa mga imahe at huling yugto na dito ang pagdadala na mismo sa WPS.
Ayon kay Fr. Palines, ang pananalangin ay hindi sinyales ng pagiging mahina kungdi ito ay pagpapakumbaba sa diyos para malabanan ang anumang mga kakaharaping hamon.
Ang Our Lady of Peace and Good Voyage ay ang patron PCG.
Samantala, umaasa naman si Fr. Nante Tolentino, rector ng Antipolo Cathedral, na mamamagitan ang Virgin of Antipolo para sa kapayapaan at kaayusan sa West Phil Sea.