BUTUAN CITY – Malakas umano ang impact na hatid ng guilty verdict ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes laban sa mga prime suspects ng Maguindanao massacre case.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na simula nang maganap ang masaker noong Nobyembre 23, 2009, hindi na natanggal pa ang Pilipinas matapos malagay sa listahan sa limang mga bansa sa buong mundo na sobrang delikado para sa mga journalists.
Ayon kay Andanar, dahil sa guilty verdict ay posibleng matanggal na ang Pilipinas mula sa nasabing listahan na makokonsiderang malaking panalo ng bansa.
Ipinaliwanag ng kalihim na wala nang rason na malagay pa ang Pilipinas sa nasabing listahan dahil malinaw na may ginawa ang judicial system ng bansa laban sa mga suspek.
Ito’y maliban pa sa binuong Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) tatlong taon na ang nakalipas na naglalayong protektahan ang mga mediamen at ang kanilang pamilyang may banta sa kanilang buhay.