Nakumpiska ng mga tauhan ng PNP-CIDG at Calabarzon PNP ang samut-saring matataas na kalibre ng armas, bala at mga pampasabog, matapos salakayin ang imbakan ng mga armas ng CPP-NPA sa Laguna kaninang alas-6:30 ng umaga sa Barangay Market Area, Sta Rose, Laguna.
Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, ang nasabing imbakan ng armas ay pag-aari ng CPP-NPA Special Partisan Unit (SPARU) na subject ng search warrant na inisyu Presiding Judge of Regional Trial Court Branch 66 ng Tanauan City, Batangas.
ng target ng search warrant ay wala sa ikinasang operasyon at nakumpiska ang mga sumusunod: One M1 cal. 30 carbine; One M2 cal.30 automatic carbine; One Bushmaster rifle; One (1) unit M16 ELISCO Rifle; Three Cal .45 Pistols; 38 rounds of live ammunition; Nine rounds of 40mm grenade; 15 Pieces of Improvised Anti-personnel mine; One Improvised Anti-troop carrier mine; Three pieces improvised Claymore Mine; One (1) pc Claymore mine; One (1) unit Laptop (SAMSUNG) with charger; Four (4) pcs Envelope containing Subversive Documents and streamers; and Different materials for making IED such as wires, switches, blasting caps and detonating cord.
Nakumpiska din ng mga raiding team ang 19 19 CPP-NPA-NDF internal publications and training materials on fundamental communist course, and advanced revolutionary warfare.
Ayon kay Sinas ang pagkaka diskubri sa nasabing clandestine communist terrorist armory ay patunay na ang CPP-NPA ay mayruong mina manteneg staging areas and weapons storage sa Calabarzon para sa kanilang urban hit squad na ilulunsad sa Metro Manila.