CENTRAL MINDANAO- Nakubkob ng Joint Task Force Central ang isang kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay 57th Infantry (Masikap) Battalion Philippine Army Commanding Officer Lieutenant Colonel Jonathan Pondanera na nagsagawa sila ng focused military operation sa Sitio Tupos Barangay Bulayan Datu Unsay Maguindanao.
Nadiskubre ng mga sundalo sa dalawang kubo na pinaniniwalaang kampo ng BIFF ang itinagong isang M14 rifle,ibat-ibang uri ng bala, tatlong magazine ng M14 rifle at isang bandolier.
Pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy sa matagumpay na combat operation ng 57th IB.
Tiniyak ni MGen Uy na magpapatuloy ang kanilang focused military operation laban sa BIFF at Local Terrorist Group na banta sa seguridad ng mamamayan sa Maguindanao.