CAUAYAN CITY – Patuloy pa rin ang isinasagawang imbentaryo ng mga kawani ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga nakumpiskang kontrabando sa pagawaan ng pekeng sigarilyo sa barangay Palattao, Naguillian,Isabela. .
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Garry Macadangdang, hepe ng Naguillian Police Station, sinabi niya na patuloy pa rin nilang binabanatayan ang bodega dahil hindi pa tapos ang ginagawang imbentaryo sa mga nakumpiskang kagamitan sa paggawa ng pekeng sigarilyo.
Habang ang iba naman ay nadala na sa warehouse ng BIR sa Pampanga.
Ayon kay PCapt. Macadangdang, kapag tapos na ang isinasagawang imbentaryo ay papasarhan na ang bodega para hindi na ito magamit pang muli.
Dagdag pa nito na nagsagawa na rin sila ng inspeksyon sa iba pang bodega sa kanilang nasasakupan at wala naman silang nakita na may iligal na gawain.
Samantala, nakasuhan na rin aniya ang apat na Chinese National subalit sila ay nakapagpiyansa.