-- Advertisements --
Tinanghal bilang Nobel Prize in Chemistry ang dalawang scientist na nakaimbento ng genome editing.
Sina Emmanuelle Charpentier at Jennifer A. Doudna ang siyang nakaimbento ng CRISPR/Cas9 gene editing tools na nagdala ng bagong oportunidad sa plant breeding.
Isang American biochemist si Doudna at French microbiologist si Emmanuelle Charpentier ay mga unang babae na magkasamang nanalo sa Nobel Prize in Chemistry at sil ang pang-anim at pang-pitong babae na nanalo ng chemistry prize.
Sinabi ni Göran K. Hansson, secretary-general for the Royal Swedish Academy of Sciences, na ang papremyo ngayong taon ay tungkol sa “rewriting the code of life.”