-- Advertisements --
Sumiklab ang malaking sunog sa Iranian oil refinery sa southern Tehran.
Ayon sa Provincial Crisis Management Office na walang nasaktan sa nasabing insidente.
Itinuturong dahilan ng sunog ang naganap na leak sa liquid gas pipeline na matatagpuan sa pasilidad.
Sinabi naman ni Shaker Khafaei ang namumuno sa public relations ng Tehran Oil Refining Co.
na hindi nila tinitignan na mayroong nanabotahe sa kanilang planta.
Umaabot naman sa mahigit 18 mga tankers mula sa refinery ang nadamay sa sunog kung saan patuloy ng nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga otoridad.
Nangyari ang insidente ilang oras matapos na masunog ang pinakamalaking sasakyang pandagat ng Iranian Navy na “Khark” sa Gulf of Oman habang nagsasagawa ng military training.